Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

BASIL MARINATED ROASTED CHICKEN


Natatandaan nyo ba yung Steamed Basil Chicken na pinost ko last January 14?   Dun ko nakuha ang inspirasyon na bakit hindi ko din i-roast ito.

May isang taga-subaybay ng food blog kong ito ang nag-message sa akin at nagtatanong kung pwede daw bang i-turbo na lang niya yung chicken sa halip na i-steam.  Ang sagot ko ay pwede naman, kaso hindi na streamed basil chicken ang magiging tawag dun kundi Roasted Basil Chicken na.  hehehehe

Ang ito na nga ang roasted version ng chicken na minarinade sa dried basil.   Masarap ha.  Bahala na kayo kung anong sauce ang gusto nyong gamitin.   Gravy man, catsup o Mang Tomas Sarsa ng lechon ay okay din.


BASIL MARINATED ROASTED CHICKEN

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into half)
1 tsp. Dried Basil
2 thumb size Ginger (grated)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl paghaluin ang dried basil, asin, ginadgad na luya at paminta.
2.   Lagyan ng hiwa ang paligid na katawan ng manok.
3.   Ikiskis sa paligid ng manok ang pinaghalong mga sangkap.   Lagyan pati yung mga pagitan ng hiwa.
4.   Hayaan ng mga isang oras o higit pa.
5.   Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees o yung pinaka-mainit na settings hanggang sa pumula ang balat.

Ihain habang mainit pa kasama ang paborito nyong sawsawan.

Enjioy!!!!

Yorum Gönder

0 Yorumlar